REPLEKTIBONG SANAYSAY

 Saranggola 

Noong bata pa ako, nagkaroon ako ng isang hindi malilimutang karanasan sa probinsya pumunta kami ng nanay ko sa bahay ng aking lolo. Noon, uso ang pagpapalipad ng saranggola, kaya naman dali-dali akong pumunta sa aking lolo at sabik na nagtanong, "Lolo, pwede mo ba akong gawan ng saranggola?" Hindi siya nagdalawang-isip at agad na nagsimulang gumawa. Sa kabila ng kanyang katandaan, pinilit niyang buuin ang saranggola para lamang mapasaya ako. Habang pinagmamasdan ko siyang maingat na nagtatahi ng papel at kawayan, naramdaman ko ang pagmamahal niya sa akin.

Nang matapos niya ito, tinuruan pa niya akong paano ito paliparin at nakipaglaro din siya sa akin. Hindi lamang ako nagkaroon ng isang laruan, kundi nagkaroon din ako ng isang alaalang puno ng pagmamahal at pag-aaruga. Sa karanasang ito, naunawaan ko na ang tunay na pagmamahal ay hindi lamang nasusukat sa magagarbong regalo o mamahaling bagay, kundi sa simpleng mga kilos na nagpapakita ng malasakit. Ang aking lolo, sa kabila ng kanyang edad, ay naglaan ng oras at pagsisikap upang magawan ako ng saranggola upang mapasaya ako. Hanggang ngayon, dala ko ang aral na iyon na ang pagmamahal ay naipapakita sa maliliit ngunit taos-pusong mga bagay at nagpapasalamat ako sa aking lolo.


Comments

Popular Posts